Mabuti pa nung bata masaya, kapag may problema ang takbo ay kay ina.
Eat Bulaga
Miracle is another name for Hardwork.
From the Koreanovela “To The Beautiful You”
Happiness is the Feeling you’re Feeling when you want to keep Feeling it.
As Heard on Yes Diaries With CHiCO LOCO, April 26, 2013
TSONG ANO ‘BANG PROBLEMA MO AYUSIN MO NAMAN!!!
Parokya Ni Edgar - The Yes Yes Show (Bahala na kayo kung anong Version)
Ganyan niya tayo kamahal….

Ganyan niya tayo kamahal….

Siya ang ‘yong kailangan
Sandigan, kaibigan mo
Siya ang araw mong lagi
At karamay kung sawi
Siya ay si Hesus sa bawat sandali..

 

-Hesus by Aegis

Si Hesus…. Ilang Beses na Nilatigo, Hinampas, Tapos Sinuotan ng Koronang Tinik, Pinabuhat ng Mabigat na krus, At Pinako sa Krus…. Hindi Siya Nagreklamo.

Eh Ikaw…. Nahirapan ka lang sa pagbukas ng Garapon, SANDAMAKMAK NA REKLAMO ANG SINABI MO??!!!

MAHIYA KA NAMAN BRAD!!! Susmarianogarapon!!!!! o.O

“Jesus is a Victim of Unfair Justice, Unfair People, And Unfair Society.”

“Jesus is a Victim of Unfair Justice, Unfair People, And Unfair Society.”

And This is how I do it on Facebook!!! XD

And This is how I do it on Facebook!!! XD

Akalain mo…

2 Years Old na pala ang Tumblr. Blog ko!

Simula pa noong rockerdoodletumblr.tumblr.com (na redundant ang tumblr. sa url). Hanggang sa naging wasak-na-wasak-na tumblr. na ito.

Halos naging Saksi na nga ‘to ng Isa pang Side ng buhay ko. At lahat ng Nagustuhan kong posts sa ibang Websites, nilagay ko na rin dito. Eto na nga ang naging Pangalawang Facebook at Twitter ko.

Maraming Natuwa, Ewan ko na lang sa iba kung nainis o nagalit sila. Basta alam ko lang sa sarili ko ehh eto talaga ang gusto kong i-post at ipakita sa blog ko dahil nagustuhan ko ito.

At sa mga nakalipas na Buwan ehh medyo Matumal akong magpost ng Blog entry ko.. At eto na nga, Nakalimutan ko na nung January pala ang Birthday nitong Blog ko. Haisxt……

Pero siguro kaya matumal na rin akong magpost dito dahil ang lebel ngayon ng mga Nakikita ko sa mga websites ngayon ay hanggang pang-Facebook o pang-Twitter na lang..

Kumbaga ehh itinuturing ko na itong Tumblr. Blog ko na ito na isa sa mga dapat mahahalagang bagay na dapat hindi nilalagyan ng mga walang kapararakang mga bagay..

Yung tipong yung mga magaganda at nakakaaliw na bagay dapat ang mga nakikita dito at hindi mga negatibo at mga nakakainis lang na bagay ang nakapost. Tulad na lang nga mga pinopost kong mga Quotes….

Pero siyempre posible pa rin akong magpost ng mga negatibong mga bagay katulad ng pagkamatay ng mahalagang tao sa buhay, mga suliranin sa paligid, at siyempre ‘yang MUKHA MO!!! *Hehehehehe Joke!* XD

Kaya sana ay Asahan niyo sa mga susunod pang mga Araw ay makapagpost ako ng mga WASAK NA WASAK NA posts para makapagbigay ng Aliw sa inyo at makapagbigay ng ngiti sa inyo Hanggang sa abot ng Aking Makakaya. 

Ika nga ng Idol ko na si CHiCO LOCO (http://isipangmagaslaw.tumblr.com/

“Ngiti ka lang, At lahat ng bagay ay ngingiting pabalik sayo!” ;)

Kaya sana ay Patuloy niyong Suportahan ang Aking Tumblr. Blog at Pati na rin ang mga Pinoy Tumblr. Bloggers na Kinagigiliwan ninyo sa ngayon! ;)

YOU MUST DO THAT TO ME!!!! HAHAHAHA XD

To find someone who will Love you for No Reason, and to shower that person with Reasons, that is the ULTIMATE HAPPINESS.
Robert Brault (As Heard on Yes Diaries With CHiCO LOCO, Feb. 18, 2013)
You Have to CHASE your Dreams in order to have a chance to LIVE them.
Anonymousness
Anong Balita Brad???? SAGOT A-GAAAD!!!!!
The YES DIARIES Experience

Listen To These Links:

PART 1: http://youtu.be/AfKqy0A_2qs

PART 2: http://youtu.be/Kc63nnkVR4Y

(Dec. 3, 2012)

“Hello, This Is Yes Diaries! Good Evening, Sino po sila??”

…..Ayan ang Pabungad na sinabi sa akin Pagkatapos kong tumawag ng Ilang Beses sa Kanila mula pa noong Biyernes (Nov. 30, 2012).

Kala ko nga kung sino ang kumakausap sa akin na Technical Staff nila, Kasi dati sa ibang Radio station na dadaan muna sa Staff nila bago ka kausapin live ON-AIR.

OwwMayGad!!!! Si CHiCO LOCO na pala ‘to!!! PACKING TAPE!!!! 

So Ayun, Tinanong niya ang Basic Info ko, Telephone Number kung sakaling Mawala sa linya, Short Briefing sa Kalakaran ng Buong Show, at ang mga DO’S and DON’TS sa Program proper.. 

“Meron pang Last 4 Commercials Kaya Standby ka lang ahh, By The Way Maririnig mo naman kami dyan ok??”


Hala ka!!!! YOU MADER FADER YOU!!!! Bumibilis ang mga Pangyayari, Nilalamig na ko!! At Inuubo-ubo pa!!! Ganito talaga ako pag Kinakabahan!!!

 

“Welcome….. YES DIARIES.”

Nag-start na ang Program niya!!! Sabay may pang-aasar pa sa intro niya!!! At sa hinaba-haba ng mga Greetings mula sa Mga Nakikinig sa kanya na BAOG na BAOG na sa kakapakinig sa kanya sa Pangalawang Bugso ng Programa, ETO NA!!!!

“Sige! Kausapin na natin 1st Caller natin for Tonight…. MAGANDANG GABI PO!” 

“Magandang Gabi din po! :D”

Ayan na, Tumatakbo na ang Buong Programa. At Siyempre Tanong-tanong ulit ng Mga Basic Information tungkol sa akin, At Kulitan To The MAXX! Partida Nilalamig pa ko niyan sa Kaba, Nakapatay na Aircon namin niyan ahh??!!

Natawag ko pa palang Kuya Jack si Papa Jack!!! PACKING TAPE!!! Kasi nga yung Video nila ni Kuya Chico nung Sumayaw sila nung Birthday ni Nicole Hyala.. Sabi ko I-Upload nila sa YouDIYES!!! XD

At Siyempre Ayan na Ang Pagsalat sa Guhit ng Kapalaran. At ang Resulta…

Oras ng Kapanganakan: Alas-Otso Y Medya Kwarenta ng Tanghali ng Gabi

Zodiac Sign: ADIDAS?!!!

Expected ko na nga yung Pagpapalit niya sa Zodiac Sign ko na Leo ehh!! Kasalanan yan ni Not-Not at ng TACHI-SCREEN niya!!! XD

At Ang Sumalat naman sa akin…. Siyempre Si NOT-NOT!!! Kotang-kota nga siya kagabi sa Lahat ng Callers ehh!!! Hinintay ko pa kung lalabas si KOYANG o si CHIKLET…… Napuyat lang ako!!!! 

 

At Pagkatapos ng Salatan, Ayan naaaaaa!!!!! Ishe-Share na ang Gustong Ikwento.. Ikukwento ko sana yung Tungkol sa Pudel na Prof namin… Pero wag na!!! Walang Kwenta naman yun!!! Kaya ayun shinare ko na lang yung Napapansin ko sa Espren ko na Ayun nga, Medyo nawiwirdohan ako lalo na nung Nag-usap kami nung Tanghali nung mga araw na yun dahil Depressed na naman siya. Ayun nga Pinayuhan ko siya sa abot ng aking makakaya pero ayun parang naisip ko wala pa rin.. Kaya Buti na lang nakatawag ako para Humingi ng Konting Advice para naman makatulong pa ako ng konti..

Ika nga ni CHiCO LOCO ayan ang Job Description natin As a Friend na alalayan sila at suportahan sila sa mga oras na may problema sila… NAAAAAAHKS!!!! XD

At ayun After ng Pag-uusap ehh Kinongratulate ko na rin yung mga Sumali sa MBC National Chorale Competition… At Inaaya pa ako ni Kuya Chico!! Eh Walang Pera, Sorry!! PAUTANG LIMA MO!!!! Bayaran ko Bukas!!! XD

At First time ko rin makarinig na may Pari na Idol si KAPITAN TUTAN!! Ewan ko lang. Ganyan talaga ang Buhay…. Hehehehehe 

At siyempre natapos din ang Pag-uusap namin. Medyo may Kaba pa rin pero May Ngiting HAYAHAY naman.. Sabay Nagkulitan pa sila ni Kuya Chris Tsuper oh!!! ‘San Ka Pa??!! (Teka? Yung Isang Istasyon yun ahhh??!!! XD)

 

 

Maraming Salamat Talaga kay CHiCO LOCO, sa YES DIARIES, at sa 101.1 YES FM sa Paggawa ng Ganitong klaseng Programa sa radyo… Sa Totoo lang, Bumalik ako sa pakikinig ng Radyo dahil sa Programa niya.. Naging Daily ritual ko na nga ito ehh. Tagal na talaga akong hindi nakakapakinig araw-araw sa Radyo, Noong mga 2006 pa ata noon noong Nakikinig ako ng araw-araw sa radyo.

Haisxt… At Bago ko nga pala Makalimutan, May Tumblr. din si CHiCO LOCO, Follow niyo siya ahh?? You MADER FADER YOU!!! BAGO KA!!! XD (http://isipangmagaslaw.tumblr.com/)

Ang Bagong Wasak Na Wasak Na Tumblr. Header Ko!!! 

Ang Bagong Wasak Na Wasak Na Tumblr. Header Ko!!!